Things that make me blush…
<

Alad dose na… nasa daan pa ako… naglalakad… tapos pagdating sa Mcdo, naghintay…

Nakita ko si Rules… Nanumbalik bigla panahon ko sa LB. It’s amazing how time goes by… hindi ko narealize… sobra kong naMISS ang LB. Ang amin LB. Kwentuhan konti… ayan na ang DYIP, pinasakay na ako ni Rules. Sabi nya, sa susunod na Bus sya…

Cge ingat!, kaw din! kitakits!

Ganon lang, konting kwentuhan… Once in a while naalala ko ang lugar na naghubog sa’kin kung ano ako ngayon…

Balang araw mabibisita ko din sya… at pagdating ng time na yun, handa na akong harapin lahat ng maling nagawa ko, at pupunuan ko yun ng mga tama…

Madaming nawala sa’kin sa LB… ang mga kaibigan ko… and pinakamasakit sa lahat. Buo pa rin naman ako, pero mas nag-uumapaw sana kung naisalba ko sila… pero minsan… dapat kang magkamali para malaman mo kung ano tama diba? Paano ka magiging MAALAM kung lahat ng alam mo yung tama lang?

Ang haba na nito… ayoko nang magsalita…

May 1st, 2006 at 9:39 pm