Once in a while… I reminded my colleagues here that I owe them a post after our outing… it was so fun I had to write all of it down… Where do we start?
Ah… pupungas pungas pa ako (Kaya mo yun Dennis?)… parang ayoko na pumasok… Friday naman… Outing lang naman namin… Ha? OO nga pala… outing na namin!!!!!!!!! Yahoooooooo! saya naman… hindi pwedeng di pumasok… ngayon lang ako makakapagSHORTS ng campopoy ko tapos ngayon ko lang makikitang nakaswimsuit si Ma’am Ads… o Kaya ngayon ko lang makita ang mga LOGS ni Yna… o ang wrestling kaya nila Claire, Dennis & Alex… Si poging Aris at She, Si Mico at Paping nya… Si Alice na crush ni Alex, Si Ellyn at Wel… At ngayon ko lang maeepal si Anthony at Anthony Bryan… Nyahahaha! Yna ok lang di kita makita, pero dapat kasama namin si Kuya Mike! Hehehe!
Pipol! Eto na! Sabihin nyo lang ano namiss ko ha? Ang Saya saya! May mga hindi sumama pero ok lang, namiss namin sila… pero tuloy ang LIGAYA!
First up! Excited si Yna, di pumasok. Pagdating ko pa lang sa office, buhay na buhay ang mga tao… halos hindi makapagDETAIL. Si Claire naghahanda sa PAGHAHARAP nila ni DENNIS! Tapos parang ang bilis ng araw! 3PM na! Aalis na kami… tsk tsk tsk… Pagbaba pa lang namin… MAINIT na kaagad ulo ni Yna!
Natakot tuloy ako kasi baka nga HINDI MATULOY ANG OUTING! Loko ka Yna ah, pinakaba mo ako nun… Tapos sumakay na kami sa aming pinakamaluwang at pinakamahangin na…. JEEPNEY. Hehe, rich talaga nga tao, pero mas masaya ang magJEEP… mas madaming kwentuhan…
Sakay na ang lahat… wala pa din ang PAPING ni Mico… LQ na ang dalawa. Kanina, takot ako sa INIT ng ulo ni Yna, pero nung time na yun, takot ako na malaSAMURAI sa talas ng mga binitawang salita ni Mico (kaya mo ulit yun Dennis?)… Umalis na ang Jeep, dinaanan namin si Paping…
"SAAN KA GALING?" Ang pagalit na tanong ni Mico… sabay "JOKE LANG!" Huh! whhhhaaaatttt? Ang bilis magbago ng mood ng babaeng yun… tapos humirit pa ulit ng isa… "hindi nga, saan ka galing?"… pero suuuuppppeeeerrrrr malumanay na ang tanong… Grabe, ganun pala nagagawa ng 5 years na pinagsamahan mo ng isang tao…
PURO joke ang nangyari habang BINABAYBAY namin ang kahabaan ng SLEX… Hindi ko kasama si 2NY, susunod daw s’ya… ok lang… may dalawa naman akong ANTHONY na kasama… hehehe… Bryan tawag namin sa isa… tapos sinuwerte si ANTHONY, nakuha n’ya talaga yung pangalan…
Hiniritan pa nila ako… kausapin do daw yung dalawang ANTHONY.. hah! Ako? Aatras… Naisip ko kaepalan ko nung college pa ako… sabay patalim na tumingin kay BRYAN! "Hoy, ikaw… taga saaan ka? May GF ka na ba? sino crush mo dito? Hindi ka naman takot magsalita? Ano sa tingin mo height ko? Huh?…" at syempre… katakot takot pa na tanong ang tinanong ko… hehe, sa sobrang takot ni BRYAN, di nakapagsalita… ginaya ko yung malumanay na sinabi ni Mico… "JOKE LANG" tapos inulit ko ulit ang mga tanong… syempre may paunang… HINDI NGA taga saan ka? and so on…
Tawanan doon, tawanan dito… tanong ng tanong silang lahat kung malapit na ba raw?… bakit kaya di na lang nila tanungin si SHE (GF ni Aris) kasi tagaLAGUNA naman yun… pero syemrpe, sinolo na naman ni Pogi ang CUTIPIE nyang GF. Damot! Anyways, just after lang malagpasan namin ang VILLA FLORENCIA RESORT, lumiko agad ang JEEPNEY sa kaliwa dun papasok. May nadaanan kaming RILES, sabi ni Claire, magWISH daw kami kasi ngayon pa lang kami nakadaan sa RILES na yun… ang hhhhhaaaaaaaaabbbbbbbbaaaaaaaaa pa ng pinasok namin… dun sa kasulok-sulokan… grabe, pero worth it naman kasi maganda naman ag RESORT. May SLIDE pa! At may poo para sa’kin… KIDDIE POOL! Yehey!
Pagkadating agad namin, pumili agad kami ng room. Syempre, dun kami kay Ma’am Ads, Claire at Alice! Hehe, excited na akong sumunod si 2ny, para swim na kami… grrrrr…
Sila Yna, dun sa dulong kwarto, privacy daw… Syempre may chaperon sila… si Mico at Paping! Nastuck naman sa 2nd na kwrato sila Aris and She, kasama sina Ellyn, Rowel, Dennis and Alex. Kami sa 3rd room at sa panghuling room… sila Manong Zaldy, Anthony 1 and Anthony 2.
Pagbaba ko galing sa paglasap ng malamig na aircon, bumaba na kaagad ako… alam ko, kahit hindi nila ako kailangan… mag-aasta lang na tutulong… paMABAIT effect. Hehe. Pagbaba ko… ayan na si Alice… hawak hawak ang video cam! Syempre, kaway kaagad. Pag wala kang masabi sa camera… kaway lang! Parang sinasabi mo! "Hi wala ako masabi, pero kakaway lang kasi feeling astista!" Nyahahaha! Tapos pinagmalaki ko kay Alice ang aking KIDDIE POOL. Tawanan sila nung napanood ang video. Masaya.
Pagbaba ko pa dun sa dining area, nakita ko agad ang cute na cute na GF ni Aris na hindi alam ano gagawin, nahihiya siguro kasi syempre, nagyon lang kami makakasama. Anyways, nakita ko agad ang sankatutak na huhugasan, ninakaw ko agad ang dishwashing paste at pangkuskos.. Naghugas kaagad ako ng mga kutsilyo, baso at iba pang pwedeng hugasan… Tapos si Kuya Mike lumapit sa’kin… "Ga, nahugasan na LAHAT nyan…" ‘nak ng… Waaaaahhhhh! Akala ko pa naman may katuturan na ginagawa ko.
Buti pa si She, nakapaglagay na ng black bag sa basurahan… At si Claire, nakapoints na agad kay Densoy, si Yna, nakakanta na agad… Sila Ma’am Ads, naghihintay ng gagawin. May nagawa naman kaming girls… nagbalot kami ng paper plates at nag-ihaw naman ang mga boys… MIA pa din ang 2nichi ko… pero text ng text…
Ang bilis ng oras… nakahanda na ang kakainin… ang dami… may salad, mag liempo, may tilapia, may hipon, may Alimango (hi Claire!) at syempre… sangkatutak na beer at inumin… tsaka CHICHA! Yehey! Namataan ko agad ang Lays at Doritos… Tiba tiba ‘to mamaya.
Sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko pagkatapos kumain… may nagRING sa paanan ko… ay! Si Anthony! Nasa labasan na daw s’ya… tapos ang bilis ng panyayari, andun na sa Gate! Syempre, moments muna, bago pasok sa resort. Hehe. Inggt kayo guys!
Pagpasok namin sa room, andun sila Alice at Claire… Hindi nagtagal, bumaba na din kami… kaya pala atat bumaba si 2nichi… kakanta pala sya… at may backup pa… si Manong Zaldy! Ok sa olrayt, 2ny pasok! Sigaw ni manong… lahat ngakatotoo, pero hindi ko akalain na ang aking si Anthony pala ang magiging CONCERT KING. Wah! Natabunan lahat ng kinanta ko… si Manong Zaldy, hindi magkamayaw sa kakakanta… habang si Anthony naman at si Anthony ay billiards lang ng billiards.
Tapos, tinawag ang lahat ni Yna. GAMES daw. Paunahan pagUBOS ng starch sa baso, pair daw. Syempre kasali kami… ang lakas umihip ni 2ny, tawa lang ako ng tawa… di ko akalain na seryoso s’ya sa pagihip. Grabe, si She hindi mo makita ang starch sa sobrang puti. At ang nanalo? Sila ni Ellyn at Rowel! Mabilis talag ‘tong dalawang ‘to.
Dalawang games lang ang nilaro namin pero masaya naman… ang pangalawa ay ang calamansi sa spoon tapos pabilisan ng pagdala at pagpasa ng calamansi. GIRLS VS BOYS. May mas exciting pa ba sa larong yun? na pagkatapos kong magpasa ng calamansi eh sinigawan ko si Anthony sa kabilang team na magpatalo. SYEMPRE, para manalo kaming girls. Nyahahaha. At NANALO nga kami, di ko sure kung dahil dun sa hirit ko o talagang MAGALING LANG TALAGA KAMING GIRLS? Ano GIRLS?
After ng GAMES. Ligo ulit ang mga pipol.
Pagpunta namin sa pool matapos ang mahabang concert, at medyo tipsy na ako, kunyari para saluhin ni 2ny… nawala lahat ng ininom kong beer sa init ng tubig. Waaaahhhh…. Tapos, paksyon paksyon ang nangyari… Dito sila Mico at Paping… dito sila Ellyn, Rowel at Alex… Dito sila Ada at Claire. Missing in action si Alice, may sakit kasi… si Yna naman nagkunwaring magaan, papabuhat parati kay Mike. Haaayyy naku… Di nagtagal… Umahon si Alex… Muntik nang mahubaran ang kanyang mala**** na katawan dahil sa luwang ng shorts. Sayang Alice! Nakita mo sana! Nyahahaha!
Di nagtagal, naligo na din si Anthony 1 and 2. Tapos nagslide na sila… puro lalaki… eh nagkayayaan kami ni 2ny, nagslid kaming dalawa… ako OK lang slide ko… parang deretso lang sabay lubog… Ang nakakatwa kay 2ny, parang nagslide lang tapos deretso tayo! Wahahaha! Loko loko talaga ‘tong BF ko…
Tapos ayan na ang dambuhalang si Mike at Yna… Si Mike deretso lang… si Yna… mamaya kwento muna ako… tsaka natin balikan si Yna… Syempre, nakita namin si Ma’am Ads… Teacher as ever. Wala atang DI alam gawin ang babaeng ‘to. Tinuruan pa si Claire at Mico na magswim… na Syempre sa kalaunan eh Tinuro din ni Claire kay Kuya Ryan.
Makikita mo… andun pa din si Yna sa gitna ng slide… na para bang di nakapaglotion na hindi umusad. Hehe, while kami ni 2ny, sisid lang ng sisid. Hindi sisid na alam mong gawin Densoy! Sisid lang na nakasakay ako sa likod tapos sisid kami. Magaling palang sumisid si tukmol ko, pero wala s’ya sa galing kong lumangoy at magFLOAT! Hehehe. Tapos na ang mahabang sisiran namin pero makikita mo… Sinasamba na ni Kuya Mike si Yna, ayaw pa din bumaba… Sinasabuyan na ng tubig para maging madulas ang pool… Ngek! La pa ding epekto.
So anyways… natuto na si Claire kay Ma’am Ads… Si Mico bumalik na kay Paping, Si Ellyn eh hindi na nagsawa sa kayoyosi… hehe (Hi Ellyn!) At si Rowel na hindi tinantanan si Ellyn sa tabi… UUUUyyyyy!!!!! Medyo matamlay si Alex, kasi wala si Alice. Pero si Densoy, ha! Nakipagpaligsahan pa kay Ma’am Ads magDIVE. Wow! Si Ryan nagsesenti na naman kasama si Manong Driver na nasa Kubo. Si Manong Zaldy natapos din sa kantahan… Pero si Aris naman at She ang pumalit. Hindi pala si Aris ang kakanta… Si She pala. Hehe, si Aris naman kinikilig sa tabi. Totoo yun, nakita ko giniginaw si Aris, nanginginig.
Ang dami pang nagyari, umahon ulit kami ni 2ny tapos nagSLIDE ulit kami, ako lang pala… NAUNAHAN ko pa si Yna na kanina pa talaga sa SLIDE. After kong mag-slide… sa WAKAS ayan na ang dambuhala! Grabe… It’s amazing di naubos ang tubig sa pool. Hehe…
It was one hell of a night. Pero what I like best is the bonding we made, the morning after, dun sa kwarto syempre namin… andun si Densoy… Alex, Alice, Ma’am Ads, Claire and Me. Ang dami naming napag-usapan. Kakatawa talaga ‘tong si Dennis! Parating kinikilig! Haaay naku… Tapos sila ni Claire? Parang ASO’T PUSA! Waaaaahhhhhh!
Confidential daw yung napag-usapan… Si Kuya Ryan mangiyak ngiyak na… aalis na kasi sya… Last bonding namin ‘to na kasama sya… =(
Nung pauwi na. Syempre di ko na alam ano nangyari sa kanila sa JEEP kasi nakisabay na ako kina Yna at Kuya Mike. Kikitain ko si 2ny sa Festival na umuwi nung umaga para pumasok. Manonood kami ng Pirates of the Caribbean… tapos kakain… tapos… Syempre ibang istorya na ‘to…