Things that make me blush…
<

Naalala ko yung gala natin sa FESTIVAL… dun tayo nag-usap ng mga bagay bagay na pagkatapos ng mahabang panahong di pagkikita… Nakita kita ulit. Tama na yun… pero may kapalit pala… kailangan ko munang masaktan habang kinukwento mo sa’kin lahat… pagkatapos nun… nagkasundo tayo…

Naalala mo pa yun… kasi habang nasa bus tayo… umiyak pa ako… at nandyan ka para sa’kin. Ang saya… ilang beses mo na ba pinadama sa’kin, na kayang-kaya ko? na walang masama kung umiyak ako kasi kakayanin mo din…?

Walang arcade game na nangyari, wala ng kainan… walang binili… walang dala, pero feeling ko… pagkatapos nun… para kong pinakyaw ang buong mall.

July 12th, 2006 at 5:39 pm