Things that make me blush…
<

Madilim sa attic… pero kailangan ko talagang makuha yung bagay na dapat kunin… Inipon ko lakas ng loob at umakyat na. Ganun pa rin ang attic… malinis… pero malungkot. Siguro kasi matagal ko na din hindi nabibisita.

Naghalungkat ako sa mga bagay bagay… nakita ko ang hindi ko dapat makita… natakot akong hawakan siya, kasi alam ko… bubuklatin at bubuklatin ko ang notebook na puno ng text galing sa kanya… pero ginawa ko pa din…

Sinimulan kong basahin ulit lahat ng masasaya at makukulit na messages galing sa kanya. Masaya s’yang balikan… pero ang pinanghihinayangan ko… kasi alam mong hinding hindi ko na kailanman matatanggap ang ganito kakulit na mga text sa isang tao.

Tawa ako ng tawa… hanggang sa tawagin na ako ng nanay ko. Hindi ko na nakuha dapat kong kunin… OK lang… masaya naman ako na naalala ko ulit ang dati… Madami ng nangyari ngayon… tapos na akong umiyak… umasa at matalo…

Pagod na rin akong maghintay… pero ganado akong sumugal. Sa totoo lang… nanalo na ako… pero meron pa akong dapat bawiin sa buhay… siguro, hinihintay ko lang ang pagkakataon na gawin yun.

Sa ngayon, kailangan ko ng bumaba at matulog. Kasi… bukas, ididate ako ng napanalunan ko…

November 29th, 2006 at 11:36 pm