Meron palang kanta na nagsasabi na HINDI KA MAHAL ng isa tao sa pinakasimple at pinakaMALAMBING na paraan.
Ang ganda ng boses ni Zelle sa kanta n’yang "AKALA MO LANG"… isipin mo na lang ang lalaking pag-aalayan mo ng kantang yan… madali ata n’yang matatanggap na walang wala ka talagang pagmamahal sa kanya…
Sabi nya… "Pagyakap sa’yo ng mainit at pagkapit ng mahigpit… pagsama sa’yong pag-gimik… at pag-amin ng aking pag-ibig… masaya sa’yong piling… at sa’yong pag-ibig… PERO DI KITA MAHAL… AKALA MO LANG… HINDI KITA MAHAL… OH HINDI MO BA ALAM?" ouch…
Uso pala talaga yun… "IIWAN KA RING SAWI… AT AASA KANG MAGBABALIK…" Hindi nga ba natuturuan ang pusong magmahal ng nais mong mahalin? Hindi mo nga ba napipili ang taong mamahalin mo? Kaya mo nga bang mag-tiis na hindi ka n’ya mahal?
"AT BAKIT ANDYAN KA PA? WAG KA NANG UMASA PA…" Kaya mo pa bang maghintay na mamahalin ka n’ya gayong harapharapan na n’yang pinahihiwatig na WALA… WALA TALAGA…
Ang daming tanong para sa mga pusong sawi… madaming panlilinlang na nagaganap sa mga taong taos pusong nagmamahal… ngunit bakit nga ba paulit-ulit itong nangyayari… iisa lang naman ata ang dahilan…
Dahil masarap maglingkod sa taong iyong minamahal… ngunit kailangan ba talagang magtiis na hindi nga masuklian ang pagmamahal na yun? Masarap talagang magmahal kahit di ka minamahal… pero para dun sa mga hindi nasusuklian ang pagmamahal…
MAS MASARAP MAGMAHAL NG MINAMAHAL KA DIN… Isipin mo na lang… bakit ka magtitiis kung pwede naman ikaw maghintay ng susunod mong mamahalin… at mamahalin ka din…
it’s so tagalog… nosebleed ako.
June 18, 2008 @ 11:56 pm