Mahal kita… iyon lang ang alam ko ngayon… Mahal kita… dahil wala akong maisip na mas aakma sa nararamdaman ko ngayon… Mahal kita… Ito’y walang halong pag-aalinlangan…
Ilang taon na ba ang nagdaan at ang pagmamahal na ito ay nakaranas na ng madaming pasakit? Ilang siglo pa ba ang lilipas bago ito maibsan at ako’y makakahinga ng maluwag… Kung aabutin ako ng habang-buhay para maipadama sa’yo lahat…
Ang alam ko… Mula sa kasulok-sulokan ng aking kamalayan, ikaw ang namamayani… Maging sa kabuuan ng aking pagkatao iaalay ko sa’yo… At hanggang sa kaibuturan ng puso ika’y mamahaling lubos…
Ganyan kita kamahal… at kung iyong pahihintulutan… ika’y mamahalin pa ng higit sa alam kong kaya ko…
Pero… ano ang matitira sa’kin?
Pinili mong suklian lahat ng iniaalay ko… lahat ng pinangako ko… lahat ng pinaghirapan ko…
Salamat… pinili mong isukli ulit ang LAHAT.