Things that make me blush…

Ilang beses na akong inalayan ng kanta ng aking pinakamamahal… pero hindi pa sa tanang pagsasama namin na ipinapaalay ny’a sa’kin yung kantang nagustuhan n’ya… bagay daw yun kantahin ko sa GITARA.

Sabi ko naman… hintayin mong kunin natin ang gitara kay kuya… At para atang nabaliktad ang mundo… ako pa manghaharana sa mokong na yun… ano?

Ganito kasi ang kanta ni Rico Blanco…

“Iniwan ka na ng eroplano… okay lang baby wag kang magbago… dito ka lang humimbing… sa aking piling… ANTUKIN…”

Dyan nagsisimula ang kanta… Ang maganda pa nun… habang kinakanta mo s’ya… may mapapansin ka pang maganda ginawa ni Rico Blanco. Bilib na naman ako… ang ganda ng mga sinulat n’ya…

“Kukupkupin na lang kita… sori wala ka ng magagawa… mahalin mo na lang ako… ng sobra sobra para patas naman tayo… diba?”…

Dito ko pinaniwalaan si Anthony na para nga sa kanya ang kantang to. Ang ganda… akmang akma…

Sa mga huling bahagi ng kanta… parang bumalik lahat ng sinabi ni Rico Blanco… napunta sa’kin ang lyrics… na parang si Anthony na naman ang kakanta kasi hindi naman pwede na para sa kanya ‘to..

“Pinaiyak ka ng mang-huhula… hindi na raw tayo… magkasamang tatanda… buti na lang… merong langit na nagtatanggol sa pag-ibig na pursigido’t mat’yaga…”

O ano? Bilib na kayo. Maganda. Ako alam ko magaling akong kumuha ng kanta… pero ang boyfriend ko ang taga salo nga mga hindi ko agad nakukuha… NAKS! Ganun lang naman parati… ang hindi ko gusto… gusto nya… nang sa ganun… pwede naming pag-usapan kung bakit namin nagustuhan ang iba’t ibang bagay…

Sa mga magsing-irog d’yan… isang bagay lang dapat ang iisipin n’yo… “KUNG AYAW MAY DAHILAN… KUNG GUSTO PALAGING MERONG PARAAN…”

Kaya kung may hindi kayo pagkakaunawaan… pag-usapan n’yo yan… Bale… gumawa kayo ng paraan… Wala namang hindi napapag-usapan…

Isa man sa amin ang marunong maggitara… okay lang… gagawa na lang diskarte… Ako maggigitara.. s’ya kakanta… Ang swerte naman ng hung-hang na yun…

Ganun talaga… minsan kailangan magpasensya… minsan kelangan magbigay… Kaya para sa mga ANTUKIN dyan… maswerte kayo’t may nagtatyaga… HAHAHA! kunyari nagtat’yaga pero totoo talaga…

Tama na… pagnabasa ‘to ni Anthony… lagot na naman ako…

August 12th, 2009 at 4:08 am and tagged , ,  | Comments & Trackbacks (0) | Permalink